Published On: Fri, Jul 27th, 2012

Herbosa: Epekto sa Ekonomiya, Kailangang Isipin sa Pagdedesisyon ng Korte Suprema

Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa (PTV)

MANILA, Philippines – Patuloy na naging tema hanggang sa huling araw ng public interview ng mga nominado sa pagka-chief justice ang reporma sa hudikatura ng bansa.

Ayon kay Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa, kailangang punuan ang mga bakanteng posisyon sa hudikatura at bawasan ang delay sa pagdedesisyon sa mga kaso upang mas marami ang magkaroon ng access sa mga korte.

“Give every one access to the court and that no one should suffer any delay,” ani Herbosa.

“We lack judges, I think it’s about 30% there are vacant positions in the judiciary, maybe we should fill that up.”

Pabor din si Herbosa na dapat isa-alang-alang ng korte ang magiging epekto ng ibinababang mga desisyon sa ekonomiya ng ating bansa.

“I’m very much for the Supreme Court taking an active role. Even in the limited function as reviewer of the law and not maker of the law. There are many cases that give the Supreme Court the opportunity to be able to contribute or to lead the country to better economic conditions.”

Hindi naman mahalaga para kay Herbosa ang pagiging outsider o insider ng isang nominado basta’t may kakayahan ito na pangunahan ang buong hudikatura.

Reporma at pagbabago rin ang naging tema ni dating Congressman at dating Executive Secretary Ronaldo Zamora sa pagharap nito sa JBC panel.

Sa kanyang opening statement, nabanggit ni Zamora ang umano’y inaanay na sistema ng hudikatura sa bansa.

Naniniwala ito na ang hustisya ay hindi laruan para sa mayayaman at makapangyarihan, kundi para sa lahat maging sa mga mahihirap.

Ayon pa kay Zamora, hindi mahalaga kung sino ang mapipiling chief justice, mas nararapat aniyang pagtuunan ng pansin ang kinakailangang mga pagbabago sa sistema ng hudikatura sa bansa.

“Pagkatapos po nito, hindi po importante kung sino ang pinili ninyo. Take a look at the system of this country, let us do something good, let us do something right,” ani Zamora. (Ito ang Balita ni Bernard Dadis/Ruth Navales, UNTV News)