Published On: Fri, Sep 21st, 2012

Ex-President Estrada, Dismayado kay Trillanes Matapos Makipagsagutan kay Enrile

FILE PHOTO: Former President Joseph ‘Erap’ Estrada at Senator Antonio Trillanes IV (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagpahayag na rin ng pagkadismaya kay Senador Antonio Trillanes IV si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada kasunod ng mga binitiwan nitong akusasyon laban kay Senate President Juan Ponce Enrile Miyekules ng hapon.

Sa isang phone patch interview na pinaunlakan ng dating pangulo para sa mga miyembro ng senate media , binatikos ni Estrada ang mga naging aksyon ni Trillanes.

“This guy wants to get the attention of the Filipino people. He has not done anything in the Senate. So just to ingratiate himself to the President, he volunteered. The President did not even ask him to go to China but he volunteered himself.”

Kinuwestyon din ng dating pangulo ang integridad ng pinakabatang senador matapos itong magpalipat-lipat ng partido.

Magugunitang, una nang tumakbo si Trillanes sa ilalim ng Genuine Opposition ngunit matapos manalo ay lumipat sa Nacionalista Party at ngayon ay kasapi nasa Liberal Party.

“He jumped from one party to another. Kasi ang Liberal nasa pwesto ngayon kaya sumama siya diyan.”

Sinabi pa ni Estrada na lumaki ang ulo ni Trillanes mula ng ito’y maging senador kaya naman malaki rin ang kanyang pagsisisi sa pag-eendorso dito noong 2007 elections.

“Who is he? Who is that, who is he? Wala naman yan eh! He’s not even respected by his fellow soldiers akalain mo. I have talked to many military officials and they don’t like him.” (Bernard Dadis/Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. kingrey says:

    naka lagay na sa malaking kahihiyan ang senado at governo ng pilipinas sa international community. dahil sila sila mismo nag babangayan, isang paraan ito ng kalaban para mabaling ang atinsion ng international communinty. dahil lumalala ang tension sa pagitan ng china at japan alam naman ng lahat na kaalyado ng japan ang pilipinas kung ang pilipinas ay walang solid na direction ukol sa isyo mababawasan ang suporta ng japan mula sa pilipinas at makakatawag ito pansin sa international community, mga BOBO talaga ang pinoy.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>