Ekonomiya ng Pilipinas, Umangat ng halos 7% sa 1st Quarter ng 2012
MANILA, Philippines — Tumaas ng 6.4% ang ekonomiya ng bansa sa loob lamang ng 3 buwan ng taong ito sa kabila nararanasang global recession.
Ayon sa mga pagsusuri, unang dahilan ng pagunlad ng ekonomiya ng bansa ay ang monetary remittances na nanggagalimg sa mga Overseas Filipino Workers (OFW). Umaabot sa 11% ng popolasyon ng Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa at karamihan ng perang ipinadadala ng mga ito ang siyang ginugugol ng kani-kanilang sambahayan dito sa bansa.
“About 70% of our economy is from consumption, so remittance is the key fuel behind that. It drives consumption in malls. Even on the property side, the government estimates a third of remittances go into home purchases and rentals of properties,” ayon kay Manila-based Head Researcher for the Philippines at Credit-Suisse, Haj Narvaez.
Ikalawa umanong dahilan ang pagdami ng natayong call centers sa bansa na diumano’y naungusan ang na ang India na kilalang nangunguna sa BPO Industry sa mundo nang nagdaang taon. Ang call center ay nagbibigay ng kaayang-ayang sweldo na sapat upang ang mga ahente ay maka-afford ng condominium.
“Payment on condominiums in Manila is booming the property market,”dagdag pa ni Narvaez.
Ayon naman kay Edward Teather, senior economist for ASEAN, malaking tulong din ang mga nalipat na business operation sa Pilipinas mula sa bansang Thailand. Ito ay matapos masakuna ang maraming negosyo sa bansang Thailand.
Nitong nakaraang Biyernes ay natamo ng Philippines Stock Exchange Index ang pinakamataas na pag-angat ng piso kontra dolyar ng 5%. Ang Peso din ang tinaguriang best performer sa taong ito na nilagpasan ang 11 bansa na kabilang sa Asia.
Pinuri din ng mga ekonomista si Presidente Noynoy Aquino dahil sa mahigpit na laban nito sa korupsyon na nagbalik diumano sa mga negosyante ng tiwala upang muling mag-invest sa ating bansa. (UNTV News)














