Drilon at Santiago, tinanggihan ang nominasyon bilang Chief Justice

Sen. Franklin Drilon and Sen. Miriam Defensor Santiago (UNTV News)
PASAY CITY, Philippines — Parehong tinanggihan nina Senador Franklin Drilon at Senadora Miriam Defensor Santiago ang nominasyon sa pagka-punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Drilon, bagamat ikinararangal aniya ang pag-nominate sa kaniya, mas gusto niyang ituloy ang mandato sa kanya ng bayan hanggang matapos ang kanyang termino.
“I have a mandate for over 15.8 million Filipinos who voted for me and I intend to finish my term in the Senate and by the time I finish my term, I’m already 71 years old so that disqualifies me.”
Samantala, hindi rin interesado si Senator Miriam Defensor-Santiago na maging susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon sa senadora, hindi biro ang trabaho ng isang punong mahistrado at para sa kanya, hindi siya nararapat na maging punong mahistrado dahil mas sanay siya sa kasalukuyang trabaho bilang senadora at abogada.
“Ang isang Chief Justice, sa opisina marami yang binabasa. Basa lang yan ng basa ng mga kaso palagi. Kaya nga nung ni-nominate ako naisip ko gusto ba nila ako namahimik na lang sa isang sulok at di na ako magsasalita?” (Ito Ang Balita ni Bryan De Paz /Grace Casin /Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments