DFA, Magpapadala ng Rapid Response Team upang Agad Mailikas ang mga OFW na Naiipit sa gulo sa Syria
Manila, Philippines – Magpapadala ng Rapid Response Team ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa agarang pagpapauwi sa mahigit 6,000 Pilipino dahil sa nagpapatuloy na gulo sa bansang Syria.
Makikipagtulungan ang DFA sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine National Police (PNP) para sa repatriation lalo na sa mga lugar na nasa crisis alert level 4 na.
Nababahala ang pamahalaan nang mapatay ang Defense Minister ng Syria na bayaw ni President Al-Assad matapos mapasok ng isang suicide bomber ang gusali kung saan nagaganap ang pulong ng matataas na opisyal ng Syria.
Nangako naman ang pamahalaan na pipilitin nilang pauwiin ang mga Pilipino sa Syria sa kabila ng mataas na singil ng mga employer kapalit ng exit visa na umaabot sa US$10M.
Sa kabuuan, nasa halos 2,000 Pilipino na ang nailikas paalis ng Syria mula nang ipatupad ang mandatory repatriation noong Disyembre 2011 dahil sa nagpapatuloy na karahasan doon. (UNTV News)














Recent Comments