DepED, Hindi Kumbinsidong Dapat Ilipat Sa Setyembre Ang Pagbubukas Ng Klase Sa Mga Paaralan Sa Bansa

FILE PHOTO: Isang mag-ina na pauwi sa bahay galing sa paaralan sa isang maaraw na tanghali. (PHOTOVILLE International / James Vercide)
Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Education na mas mahihirapan ang mga estudyante kung gagawing Setyembre ang pasukan sa halip na Hunyo.
Ayon kay Education Assistant Secretary at Spokesman Tony Umali, naitatala ang pinakamainit na temperatura sa bansa tuwing buwan ng Abril at Mayo.
Gayunman, kung may mga lugar aniya na tinatamaan ng bagyo ay ilang lugar lamang ito at hindi ang buong bansa.
Pinag-aaralan pa rin ng DepED ang naturang panukala at hindi isinasa-isang-tabi . (UNTV News)














Recent Comments