Published On: Fri, Sep 21st, 2012

Dating Pulis na Lider ng Notorious na Dose Pares Gang, Arestado

Ang dating alagad ng batas na si Joel Tapac na naging lider ng Dose Pares Gang na ngayon ay nahulog na sa kamay ng dating kapwa pulis matapos ang pitong taong pagtatago sa batas. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang pitong taong pagtatago, nahuli na si Joel Tapec, ang itinuturong lider ng kilabot na Dose Pares Gang.

Si Tapec ay nahaharap sa mga kasong robbery, robbery with homicide at mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nahaharap din sa kidnapping with homicide case ang suspek matapos dukutin ng kaniyang grupo ang isang Michael Chan noong 2005 subalit kahit nabayaran umano sila ng ransom ay pinatay pa rin ang biktima.

Si Tapec ay dating pulis na may ranggong Senior Police Officer 2 at nakatalaga sa Eastern Police District ng Metro Manila ngunit na-dismiss noong 2005 dahil sa kinakaharap nitong mga kaso.

Sa tulong ng isang impormante, nahuli ang suspek sa pinagtataguan nito sa Moncada, Tarlac noong Martes, Setyembre 18.

Sa ngayon ay umabot na sa P275,000 ang patong sa ulo ni Tapec.

Samantala, toodo tanggi naman ang suspek sa mga akusasyon laban sa kaniya at ipinagtanggol pa nito ang ginawang pagtatago.

“Di ko po alam yun. Natakot lang po ako sa dami ng ikinaso sa akin,” pahayag ng suspek.

“The arm of law is indeed long after several years arrested,” pahayag naman ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome.

Bukod sa tatlong sibilyang miyembro ng Dose Pares Gang, walo sa mga ito ay mga pulis at kasalukuyang pinaghahanap ng PNP.

Batay sa ulat ng Anti Kidnapping Group ng PNP, 5 pulis kada taon ang nasasangkot sa kasong kidnapping. (Victor Cosare/Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>