Published On: Wed, Jan 30th, 2013

Dalawang Security Agency ng SM Megamall, Pinagmumulta ng PNP-SOSIA

Megamall, Saint Francis Entrance (Courtesy of Exec8 via wikipedia)

Megamall, Saint Francis Entrance (Courtesy of Exec8 via wikipedia)

MANILA, Philippines – Pagmumultahin ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang dalawa sa apat na security agency na naka-duty sa SM Megamall noong sabado ng gabi.

Ito ay dahil sa kabiguan nilang magsumite ng after-incident report hinggil sa nangyaring nakawan sa isang jewelry store sa kabila ng ibinigay na palugit.

Ayon kay PNP-SOSIA Director, Police Chief Supt. Tomas Rentoy, pagmumultahin ng sampung libo hanggang dalawampung libong piso ang Star Force at Link Security Agencies na nabigong sumunod sa deadline.

“Base on our SOP, kapag may major incident dapat by 24 hours nakapag-submit na sila sa amin ng incident report.”

Posibleng isailalim naman sa 15 araw na re-training ang mga guwardiya ng Megamall upang huwag nang malusutan pa ng masasamang loob. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>