Daang Libong Isda, Patay sa Red Tide sa Gulf of Mexico
Estados Unidos – Daan daang libong mga isda ang namatay sa Gulf of Mexico dahil umano sa red tide.
Ayon sa isang US Texas State Official, may low to moderate concentration ng isang neurotoxic algal bloom na kilala sa pangalan “karelia brevis” ang natagpuan sa Galveston Island na ikinamatay ng daang libong isda.
Karamihan umano sa mga isdang namatay ay Menhaden, isang uri ng marine fish na karaniwang matatagpuan sa Atlantic at Gulf Coast at sinasabing madaling kapitan ng red tide.
Patuloy pa rin ang isinasagawang pag-aaral ng Texas Park and Wildlife Department sa tubig sa nasabing isla para makabigay ng impormasyon sa mga taong nasa paligid nito.(UNTV News)














Recent Comments