Published On: Thu, Oct 4th, 2012

Cybercrime Prevention Act, hindi perpektong batas — Malacañang

“This law is not perfect, there’s no irreparable law… ” — Presidential Spokesperson Edwin Lacierda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Aminado ang Malakanyang na ang Cybercrime Prevention Act ay hindi perpektong batas.

At hindi makikialam si Pangulong Benigno Aquino III kung may kinakailangan man na amiyendahan sa ilang probisyon dito, partikular na ang cyber libel.

Iniiwan na lamang ng Palasyo sa mga mambabatas ang pag-amiyenda sa ilang probisyon sa naturang batas.

Ito ang ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matapos ibalik sa Malakanyang ang sisi ng ilang mga kritiko kaugnay sa naturang batas.

Binigyang diin ni Secretary Lacierda na nabuo ang naturang batas dahil sa lumalaganap na mga cyber criminal na ginagawang destinasyon ang Pilipinas  upang isagawa ang mga ilegal na aktibidad.

Ani Sec. Lacierda, “This law is not perfect, there’s no irreparable law… we would like to emphasize that there’s a need to combat cybercrimes. It’s happening two weeks ago we just arrested a number of foreign nationals and engaged in cybercrimes.”

Kaya naman ayon sa Malakanyang, kung naipasok man ang cyber libel sa naturang batas, ito ang kinakailangang ipaliwanag ng mga senador at ng bicameral committee sa publiko.

Dagdag pa ni Lacierda, “As to how provisions on online libel was inserted as to take down clause, what would be the penalty makes online libel higher than libel on the revised penal code? That perhaps the senators should explain.”

Ayon sa kalihim, sa October 9 ang nakatakdang consultation ng mga ahensyang nagbubuo sa implementing rules and regulations o IRR ng R.A. 10175 sa mga stakeholder.

At ito aniya ay bubuksan rin sa publiko. (NEL MARIBOJOC, UNTV News)

 

 

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>