Commissioner Ricardo David, Pursigidong Patigilin ang Kurapsyon sa Bureau of Immigation

FILE PHOTO: Si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. sa programang Get It Straight with Daniel Razon (PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines — Tanggap na ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na mayroon siyang makakaaway dahil sa kanyang kampanyang labanan ang kurapsyon sa ahensya.
Bagamat may mga nananawagang umalis na siya sa kanyang pwesto, naninindigan ang opisyal na ginagawa niya lamang ang kanyang tungkulin. Aniya, hindi niya maaaring i-kompromiso ang adhikaing labanan ang kurapsyon sa BI.
“Ako, habang narito sa Bureau of Immigration, I would do whatever I can to stop corruption,” giit ng opisyal.
Tuloy aniya ang kanyang paglilinis sa ahensya. Sa kasalukuyan, nasa 36 na opisyal ng BI ang inalis na sa puwesto dahil sa sari-saring paglabag at kasong kinasangkutan.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa ibang empleyadong nasasangkot sa katiwalian
“Wala pa naman hanggang ngayon. Iniimbistigahan ang dalawa and (the) criminal charges to be filed against them. Mga 36 ang immigration officers that we (have) dismissed, sari-saring mga kaso,” pahayag ng opisyal.
Ipinauubaya na rin ni Commissioner David kay Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapasya kaugnay ng balitang kasama ito sa umanoy revamp na mangyayari sa gabinete.
Sa ngayon aniya ay tungkulin niyang palawigin pa ang serbisyo ng BI lalo’t malaki ang hamon sa kanila matapos na paalalahanan ng Pangulo kamakailan.
“Di ko maaasahan na ganun ang gagawin lang natin magtrabaho lang tayo. We depend on the President kung tatanggalin niya o hindi…Sabi ko, this is the challenged of the president to improve our services to stop the corruption on the Bureau,” pagtatapos ni Commissioner David. (Bryan De Paz/Marje Navarro, UNTV News)













