Published On: Fri, Sep 21st, 2012

Commemorative Marker, Inilagay sa Mendiola bilang Paggunita sa Batas Militar

Ang commemorative marker sa Mendiola bilang ala-ala sa Martial Law. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ginugunita ngayong araw ang ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ng rehimeng Marcos.

Kaugnay nito, isang marker na may nakasaad na ‘Battle of Mendiola’ ang inilagay sa Mendiola sa Maynila sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang pag-alala sa lugar na naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

Taong 1970 nang magsagawa ng malaking demonstrasyon sa Mendiola, kaya nakilala itong lugar ng mga protesta.

Noong Pebrero 25, 1986 naman ay tuluyang napasok ng mga demonstrador ang palasyo ng Malakanyang mula sa Mendiola matapos mapagbagsak ang diktaduryang Marcos.

Kaugnay ng paggunita, naka-alerto pa rin ang mga pulis dahil sa mga inaasahang pagdating ng maraming raliyista.

Naglagay na rin ng barbed wire sa may gate papasok ng Malakanyang at naghihigpit na rin ang mga pulis sa mga taong pumapasok dito. (Nel Maribojoc/Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>