China, Apektado na rin ng Global Crisis
CHINA — Madami ang nababahala tungkol sa unti-unting pagbaba ng kasalukuyang ekonomiya ng bansang China. Isa na rito ay trading partner nitong America. Pinangangambahang malaki ang magiging epekto nito sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa National Bureau of Statistics, bumaba sa 7.6% ang kabuuang ekonomiya ng China mula sa 8.1% nang nagdaang taon.
Bagaman mataas pa rin ang agwat ng China sa bansang Amerika na nananatiling nasa 2% lang itinataas taon taon gayunmay nag aalala pa din ang una dahil sa nakasanayan nitong 10% growth sa loob ng 3 dekada.
Ang recession sa ekonomiya ng China ay isinisisi sa humihinang demands ng kanilang produkto mula sa kanilang foreign customers. Naging mahina diumano ang exportation ng China sa kasalukuyan kumpara sa mga nakalipas na taon.
Ang China ang ikatlo sa pinakamalalaking export customers ng Amerika, bukod sa Canada at Mexico. Ngunit dahil sa paghina ng exportation nito ay apektado pati na ang iba’t ibang kompanya sa mundo. (UNTV News)














