Published On: Thu, Jan 31st, 2013

CGMA at Morato, No Show sa Pagdinig vs. PCSO Plunder Case

FILE PHOTOS: Former President Gloria Macapagal Arroyo and Former PCSO Chairman Manoling Morato on wheelchairs. (UNTV News)

FILE PHOTOS: Former President Gloria Macapagal Arroyo and Former PCSO Chairman Manoling Morato on wheelchairs. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi dumalo sa pagdinig ng Sandiganbayan ang mga pangunahing akusado sa tinaguriang ‘PCSO plunder case’ na sina Pampanga Representative Gloria Arroyo at dating PCSO Chairman Manuel Morato nitong Miyerkules.

Sa halip, nagpadala na lang ng waiver si Arroyo kung saan nakasaad na sumasang-ayon ito na siya ang tinutukoy sa tuwing babanggitin ang kanyang pangalan sa pagdinig.

Isang manifestation din ang isinumite ni Morato kung saan nag-aabiso ito na hindi sya makadadalo sa pagdinig dahil sa kanyang medical condition.

Nakasaad sa dokumento ni Morato na mismong ang kanyang doktor ang nagrekomenda na hindi sya maaaring ilabas ng ospital dahil mahina pa ang pangangatawan nito.

Si Morato ay sumailalim sa heart bypass surgery noong isang taon.

Kapwa naman tinanggap ng korte ang paliwanag ng dalawang akusado.

Ipinagpatuloy naman ng Sandiganbayan First Division ang pagdinig kaugnay ng 366-million pesos Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) plunder case na isinampa laban kina Arroyo at Morato.

Muling humarap sa witness stand si PCSO board member Atty. Aleta Tolentino patungkol sa confidential intelligence fund ng PCSO.

Dumalo rin sa pagdinig ang ilang akusado na sina dating PCSO board of directors chairman Sergio Valencia, dating PCSO director Ramon Roquero, at former PCSO budget officer Benigno Aguas kasama ang kani-kanilang mga abugado. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>