Published On: Thu, Jul 12th, 2012

Bureau of Immigration, Tiniyak na Hindi Bumababa ang bilang ng mga Chinese Tourist sa kabila ng Travel Advisory ng China

Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na hindi bumababa ang bilang ng mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa sa kabila ng Travel Advisory na ipinalabas ng China. Katunayan ayon sa Ahensiya, umabot sa halos 30,000 Chinese Tourist ang pumasok sa Pilipinas nitong nakalipas na taon. Sa kabila ng naturang travel advisory, naniniwala ang (BI) na malalagpasan pa ito sa unang quarter ng taong 2012.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., normal ang sitwasyon ng mga flights sa mga paliparan.

 “In spite of these, marami pa at maraming Chinese ang pumupunta ditto. Hindi naman na-cancel ang flights nila ditto. Normal lang naman ang flights nila. Siguro nung una, pero this time, pare-pareho lang,” pahayag ng opisyal.

Binigyang diin din ng opisyal na walang pagbabawal ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga Chinese na ibig pumasok ditto. Nilinaw din ni David na ang ipinagbabawal ng BI ay ang mga turn-around flight kung saan nagpapatatak lang sa passport ang mga Chinese at babalik na muli sa China. 

“The issue of turn-around flights, we disallow that. Ang nangyayari kasi, may mga travel sa China na pagpunta nila sa airport, babalik agad. Ang kailangan lang nila stamp,” paliwanag ni David. (Ito Ang Balita ni Bryan De Paz/Marje Navarro, UNTV News)