Published On: Mon, Jan 28th, 2013

Bread ‘N Butter at UNTV Radio La Verdad nakakuha ng parangal sa Gandingan Awards 2013

Ang UNTV program na Bread N' Butter at UNTV Radio sa pagtanggap ng parangal kahapon mula sa UP Gandingan Awards 2013. (UNTV / Krizzle Aniag)

Ang UNTV program na Bread N’ Butter at UNTV Radio sa pagtanggap ng parangal kahapon mula sa UP Gandingan Awards 2013. (UNTV News / Krizzle Aniag)

MANILA, Philippines – Ginawaran ng tig-isang parangal ang dalawang programa ng UNTV at UNTV Radio La Verdad sa katatapos lamang na Gandingan 2013 Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines (UP) Community Broadcasting Society ng Los Baños, Laguna.

Sa ikalawang pagkakataon, itinanghal na “Best Livelihood-Oriented Program” ang programang Bread ‘N Butter ng UNTV.

“Alam ko yung pagpili nila rito talagang pinanood ng mga estudyante tsaka dumaan sya sa voting, so masasabi ko na talagang valid yung magwawagi sa parangal na ito kaya maraming maraming salamat sa tumangkilik, sa lahat ng mga bumoto at syempre sa mga estudante ng UPLB,” pasasalamat ni Rodel Flordeliz, isa sa mga Host ng programa.

Samantala, sa kauna-unahang paglahok ng UNTV-Radio La Verdad 1350, ibinigay sa public service plug nito na “bloodletting” ang parangal bilang “Most Development-Oriented Radio Plug.”

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Ms. Annie Rentoy, ang Station Manager ng Radio La Verdad sa lahat ng tagapakinig at sumusuporta sa istasyon.

“Well salamat sa Dios kasi yung ka-compete natin dito ay malaking network pero tayo ang nanalo and alam naman siguro po ng mga nanonood, nakikinig, kung ano po yung uri ng public service na binibigay po ng UNTV. Kung may pasasalamatan tayo rito una sa Dios at hindi natin kinakalimutan i-acknowledge dahil ang pangunahing tumutulong dito walang iba po kundi si Brother Eli Soriano.”

Inaasahang madaragdagan pa ang nominasyon ng UNTV at UNTV-Radio La Verdad 1350 sa mga susunod na edisyon ng Gandingan Awards. (Adjes Carreon & Ruth Navales, UNTV News)

Tinanggap ng ating mga Kasangbahay na sina Bread N' Butter Host Rodel Flordeliz at UNTV Radio Station Manager Annie Rentoy ang mga nasabing parangal mula sa Gandingan 2013. (UNTV News / Krizzle Aniag)

Tinanggap ng ating mga Kasangbahay na sina Bread N’ Butter Host Rodel Flordeliz at UNTV Radio Station Manager Annie Rentoy ang mga nasabing parangal mula sa Gandingan 2013. (UNTV News / Krizzle Aniag)

  • det

    To God be the glory!:)

  • JP007

    it deserves the Right Channel to REceive that AWARD…that is…YOUR PUBLIC CHANNEL…UNTV…MORE POWER GOD SPEED.

  • rodelflordeliz

    Congratulations! To God be the Glory!

    • RBN

      Congrats!