Published On: Thu, Aug 2nd, 2012

Blues Guitarist Joe Bonamassa, Magtatanghal Sa Pilipinas

 

MAGTATANGHAL sa Pilipinas ang isa sa mga sikat na gitarista sa buong mundo na si Joe Bonamassa sa darating na Setyembre sa Pasay City.

Ilan sa mga sikat na music artist na nakasama ni Joe ay si B.B. King, Eric Clapton, Beth Hart, Paul Rodgers, at Glenn Hughes.

Ayon sa organizer ng naturang konsiyerto, nais nilang bigyan ng alternatibong musika ang mga Pilipino.

Susuporta rin at kasamang magtatanghal sa nasabing konsiyerto ang ilang Filipino Blues Rock Artist na sina Pepe Smith at Ely Buendia. (Ito ang Balita ni Adjes Carreon/Ruth Navales, UNTV News)