Published On: Tue, Feb 26th, 2013

Banggaan Ng Truck At Jeep Sa Quezon City Nirespondehan Ng Untv News And Rescue Team

Ang isa sa mga tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa pagresponde nito sa banggaan ng truck at jeep. (UNTV News)

Ang isa sa mga tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa pagresponde nito sa banggaan ng truck at jeep. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Anim na tao ang nasugatan nang magbanggaan ang isang ten wheeled truck at pampasaherong jeepney sa E. Rodriguez Corner Araneta Avenue pasado alas onse ng gabi, Lunes, Pebrero 25.

Nilapatapan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa mga biktima na si Niel Patrick Mallari na sumakit ang magkabilang tuhod dahil sa lakas ng impact ng banggaan.

Rumesponde rin sa lugar ang Metro Rescue, Text Fire Rescue at Raha Rescue Unit upang tumulong sa pagbibigay ng first aid sa mga nasugatan sa aksidente.

Matapos malapatan ng lunas dinala ang mga biktima sa East Avenue Medical Center upang masuri ng mga doctor.

Iniimbestigahan ng otoridad kung sino ang dapat managot sa insidente.  (Benedict Galazan & Marje Navarro, UNTV News)

  • JP007

    nice job Abo…