Bagyong Helen, Nakalabas na ng Bansa
Manila, Philippines – Nakalabas na sa Philippine area of reponsibility ang Bagyong Helen at tinatahak na nito ang direksyon patungong China.
Ayon sa PAG-ASA, hindi man ganap na nakaapekto sa bansa ang bagyo ay inaasahang paiigtingin pa rin nito ang hanging habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Luzon at kanlurang Visayas.
Inalis na rin ang lahat ng public storm signals sa bansa.
Gayunman, pinag-iingat pa rin ng mga kinauukulan ang mga naninirahan sa mababang lugar sa posibleng pagbaha.
Pinapayuhan din ang mga maliliit na bangkang pangisda na huwag munang pumalaot lalo na sa mga apektadong lugar.
Inaasahan na makararanas na ng mabuting panahon ang nalalabing bahagi ng bansa sa mga susunod araw. (UNTV News)














Recent Comments