Bagyong Helen (International Name “Kai-tak”), Kumitil ng 27 buhay sa Vietnam
Vietnam – Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi habang libu-libong residente ang nawalan ng tirahan at pananim dahil sa pananalasa ng Bagyong Kai-tak sa Vietnam. Ito ay ang Bagyong Helen sa nauna nang nanalasa sa Pilipinas noong mga nagdaang linggo.
Tinatayang mahigit sa 12,000 bahay at 23,000 ektarya naman ng pananim ang napinsala dahil sa malakas na hangin at ulan na dala nito.
Aabot sa 20,000 sundalo ang ipinadala sa mga apektadong lugar dala ang nasa 11,000 rescue boats para sagipin ang mga residente na naipit sa kalamidad. (UNTV News)















Recent Comments