Published On: Tue, Jul 3rd, 2012

Bagong benefit package ng Philhealth na tutulong sa mga may malalang karamdaman, pormal na inilunsad sa Malakanyang

Si President Benigno Aquino III sa paglulunsad ng DOH rotavirus vaccine at PhilHealth “Z” benefit package. (Malacañang Photo Bureau)

 MANILA, Philippines — Pormal na inilunsad sa Palasyo ng Malakanyang ang pinakamalaking health benefit package o ang Case Type ‘Z’ Category Package ng Philippine Health Insurance (Philhealth) na tutulong sa mga may malalang karamdaman.

Naniniwala naman si Pangulong Benigno Aquino III na malaki ang maitutulong nito partikular sa mga kababayan nating mga mahihirap.

“For the first time in the history Philhealth now provides benefits can cover the treatment diseases that causes roughly 100 to 200 thousand pesos.”

Ang mga kwalipikadong miyembro o sponsored member ng Philhealth ay makatatanggap ng  benepisyo na nagkakahalaga ng mahigit P200,000 para sa may sakit na Acute Lymphomatic Leukemia. P100,000 naman para sa mga maysakit na early stage breast cancer at prostate cancer.

Nasa P600,000 naman ang benepisyo na matatanggap ng may end stage renal disease na nangangailangan na ng kidney transplant.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, ang bagong benefit package na ito ay bahagi ng universal health care program ng gobyerno.

“Our people should not overcome this illnesses alone, and this idea is the heart of the universal health care program.”

Target rin ng gobyerno na sa susunod na buwan ay maisama na rin sa naturang package ang ilan pang mabibigat na karamdaman. (Ito Ang Balita ni Beth Lamodo / Ruth Navales, UNTV News)

  • http://twitter.com/verybradryan Brad Ryan

    Malaking tulong na marami pang mahihirap na laborer ang makikinabang sa programang ito. Sana lang magtuloy tuloy na ang mga ganitong proyekto para sa mga kapwa laborer.