Published On: Wed, Aug 15th, 2012

Bagong Batas Kontra Hazing Deaths at Code of Silence ng mga Fraternities, Babalangkasin ng Senado

Manila, Philippines – Bubuo ng bagong batas ang Senado na maglalayong matuldukan ang kaso ng pagkamatay dahil sa hazing sa bansa matapos ang ilang serye ng pagkasawi sa mga unibersidad dahil sa naturang aktibidad.

Ayon sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, hindi sapat na basta amyendahan lamang ang Anti-Hazing Law o Republic Act 8049. Sa halip, kinakailangan ang isang bagong batas na tutuldok sa hazing at iba pang initiation rites na isinasagawa ng mga fraternity at sorority.

“Ang sabi ng senate president kailangan natin ng bagong batas, di lang ito serye ng amendments. We will be able to adequate the respond to this if we craft a better law. Bago pumasok yung applicants at dumaan sa pagsasanay may physical, mental, academic at psychological standards huwag lang lampasan ito eh hindi mamamatay,” pahayag ni Senator Gringo Honasan, Chairman ng Komite.

Makatutulong umano ito para maalis ang code of silence sa isang fraternity group.

“Sa ngayon po ay nahihirapan kami sa nakikita naming sa mga pulis dahil nahihirapan sila  na mag-imbestiga sa kaso dahil sa code of silence ng fraternity sana maremedyohan natin ito,” pahayag naman ni Engineer Mac Ferdie Marcos, anak ni Marc Andre Marcos, ang pinakabagong estudyanteng nasawi dahil sa hazing.

Pinagsabihan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang National Bureau of Investigation dahil sa hindi nito pagpursige sa kaso ng hazing victim na si Marvin Reglos.

Katwiran naman ng NBI, ang pagtigil nila sa imbestigasyon sa kaso ay bunsod ng paghinto rin ng mga kaanak na lakarin ito.

“Hindi naman private crimes ito. Nakalagay sa Revised Penal Code kung anu ang private crimes, yung mga nasaktan sila magfafile, all other crimes is the responsibility of the state to investigate it wether there is somebody complaining,”  pahayag ni Enrile.

“We will ask the committee that conduct the investigation about the circumstances on the withrawal of the family,” tugon naman ni Atty. Medardo De Lemos, NBI Deputy Director.

Nakatakda naman ang isang senate inquiry upang mas mapag-aralan ang magiging basehan kung ipagbabawal o hindi ang anumang initiation activities  ng mga fraternity at sorority sa bansa. (Ito Ang Balita ni Bryan De Paz/Marje Navarro, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>