Published On: Fri, Sep 14th, 2012

Babaeng Naligaw sa Maynila, Tinulungan ng UNTV at Ang Dating Daan na Makauwi sa Cebu

Si Irene Umbak (left) sa piling ng kanyang pamilya sa Cebu matapos maligaw sa Maynila at makabalik muli sa tulong at awa ng Dios sa pamamagitan ng UNTV at Ang Dating Daan. (PHOTOVILLE International / July Okies)

CEBU CITY, Philippines — Nakabalik na sa Cebu City ang 31 anyos na si Irene Umbak matapos maligaw ng isang lingo sa Maynila.

Agosto 31 nang umalis ng Cebu si Irene papuntang Maynila upang mamasyal nang hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang. Subalit dahil hindi pamilyar sa lungsod ay nagkaligaw-ligaw ito at wala na ring sapat na pera para makabalik sa Cebu.
Mabuti na lamang at nakahingi ito ng tulong sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naghatid naman sa kanya sa studio ng UNTV. Sa tulong ng grupong Ang Dating Daan, tinulungan ng UNTV si Irene na makausap ang kanyang nanay sa Cebu.
Habang nasa Maynila ay pinatuloy ng UNTV sa Kamanggagawa Foundation Incorporated (KFI) Transient Home si Irene habang hinihintay ang araw ng kanyang paguwi noong ika-7 ng Setyembre.
Pagdating sa Cebu ay mismong mga crew ng UNTV Cebu din kasama ang dalawa niyang anak at ang kanyang nanay ang sumalubong kay Irene, at inihatid ang mga ito ito hanggang sa kanilang tahanan sa Consolacion, Cebu.
“Higit sa lahat sa nangunguna sa grupong Ang Dating Daan, maraming salamat kay Bro. Eli at Kuya Daniel din sa pagpapatira sa anak ko sa Transient Home. Dahil kung hindi, baka nagpalabuy-laboy na si Irene sa Maynila,” pasasalamat ng ina ni Irene na si Elsa.
Nangako naman si Irene na hindi na aalis ng Cebu nang hindi nagpapaalam sa kanyang pamilya. (Naomi Sorianosos/Marje Navarro, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>