Published On: Tue, Jul 10th, 2012

Awiting “Surrender”, itinanghal na ASOP Song of the Week

(Left to Right) ASOP Host Richard Reynoso, singer Thor, composer Joash Alden Ruazol and ASOP Host Toni Rose Gayda (PHOTOVILLE International / Gaye Fritz Ofilas)

CALOOCAN CITY, Philippines — Pumasa sa panlasa ng mga huradong sina Vehnee Saturno, Mon Del Rosario at ng singer-comedienne na si Marissa Sanchez ang awiting “Surrender” kaya itinanghal itong “song of the week” ng a Song Of Praise (ASOP) Music Festival noong Linggo ng gabi.

Sa rendisyon ng mang-aawit na si Thor, nabigyang buhay nito ang obra ng kalahok na kompositor na si Joash Alden Ruazol.

“The best talaga kasi nung nakita ko ‘yung pangalan niya kanina sa papel…Thor.  Sabi ko “ok” madadala niya talaga ‘yung kanta,” pahayag ni Joash Alden Ruazol.

Pagtatapat naman ni Thor, timing na timing ang pagkuha sa kanya bilang interpreter sa ASOP dahil sa kasalukuyan itong bumuo ng isang gospel band.

“Actually, natuwa po ako nung tinext ako kasi just recently, nagkaroon po ako ng gospel band.  Napasama po ako sa isang gospel clinic na sobrang natuwa ako kasi pangarap ko din kumanta ng mga gospel songs”

Kasama rin sa ASOP weekly elimination round ang mga awiting “All The Praise” ni Euee John Popelo na inawit ng isa sa freestyle vocalists na si Mike Luis.

Kabilang rin ang “Alam Kong Ikaw Ang Dios” ni Romeo Hadap sa interpretasyon ng isa sa miyembro ng all-male vocal group na Akafellas na si Luke Dacles at “Sa Awa Mo” ni Charlie Estacio sa rendisyon ng acoustic singer na si Suy Galvez. (Ito ang Balita ni Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)