Awiting “Purihin Mo Ang Dios, O Pilipinas,” Kasama na sa ASOP Finale Sa Setyembre

Ang interpreter na si Judy Honor at composer na si Anton Estrella Jr. ng nanalong song of the month na “Purihin Mo Ang Dios, O Pilipinas”. (PHOTOVILLE International / Gaye Fritz Ofilas)
CALOOCAN CITY, Philippines — Pasok na sa grand finals ng A Song Of Praise Music Festival (ASOP TV) ang awiting “Puruhin Mo Ang Dios, O Pilipinas.” Ito na ang ikalabing-isang song entry na pumasok sa Finale round na gaganapin sa Setyembre sa Smart Araneta.
Aminado ang kompositor ng naturang awit na si Anton Estrella Jr. na hindi niya akalain na papasa ito sa panlasa ng tinaguriang “kilabot ng mga kompositor” sa ASOP na si Mon Del Rosario.
“Actually hindi ko expected. Alam naman natin na pag-hinimay niya yung kanta talagang hihimayin niya ng himay na himay. Lahat ng punto na puwede niyang itama, sasabihin niya yun, he’s just a straight-forward guy.”
Naungusan ng komposisyon ni Anton ang mga awiting “Ikaw Ama’y Handang Magpatawad” ni Rogelio Fernandez sa interpretasyon ni Chad Borja, “Surrender” ni Joash Alden sa rendisyon ni Thor at “Dakilang Kabutihan” ni Wisdom Ison na inawit naman ni Gail Blanco.
Samantala, ipinagmalaki naman ng panauhing hurado at tinaguriang OPM Inspirational Diva na si Jamie Rivera ang kaniyang kasayahan sa pagiging bahagi ng ASOP at itinuring na “blessing” sa music industry ang pagkakaroon ng praise songwriting sa telebisyon.
“It’s a blessing that we have this kind of competition because I think this is the 1st time that I’ve heard of a competition of praise songs…a lot of people are learning the word of God through songs. It’s a pleasure and an honor to be a judge kasi hindi siya basta competition.”
Magkahalong emosyon naman ang nadama ng singer/songwriter sa bagong titulong ibinigay sa kanya na “Miss Katay” ng mismong istriktong hurado na si Mon Del Rosario.
“Yun ang natural ko kasi kung paano ako gumawa ng kanta, sinasabi ko lang so yung expectations ko dun sa mga song, hindi ko alam na may katay na pala yun, naku sana wala namang magalit sa akin.”
Bilang pasasalamat ni Jamie sa ASOP TV ay nag-alay ito ng kanyang hit song bago ang kanyang pag-anunsyo ng nanalo. (Ito ang Balita ni Adjes Carreon/Ruth Navales, UNTV News)















Recent Comments