ASOP Judge Noel Cabangon, Excited na sa Grand Finals ng ASOP

FILE PHOTO: Ang isa sa mga ASOP judges na si Mr. Noel Cabangon, singer-songwriter at Vice-President for External Affairs of the Organisasyon ng Pilipinong Mangaawit o OPM. (PHOTOVILLE International / Jonathan Adizas)
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng excitement bilang hurado ang premyadong singer at songwriter na si Noel Cabangon sa nalalapit na grand finals ng “A Song of Praise” (ASOP) Music Festival.
Ayon kay Noel, excited na siyang mapakinggan ang lahat ng song entries at kung sino ang tatanghaling winner sa kompetisyon.
“Siyempre iba-base natin ang judgement kung ano yung ibibigay na criteria and at the same time kung ano yung given na objectives din. Dun natin titingnan, of course musically and lyrically.”
Naniniwala rin si Noel na mas marami pang sasaling propesyonal na kompositor sa ikalawang taon ng ASOP.
Kabilang sa makakasama niyang uupo bilang hurado sina Vehnee Saturno, Mon Del Rosario, at Jamie Rivera.
Samantala, excited ding ibinalita ni Noel ang kanyang bagong album na pinamagatang “Tuloy ang Biyahe” para sa mga tumatangkilik ng kaniyang musika. (Adjes Carreon/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments