Anti-Trafficking in Persons Bill, ganap ng isang batas

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III signing a law sometime in 2012.
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.
Ang bagong batas o ang Republic Act No.10364 ay ang mas pinalakas at pinalawak na bersyon ng Anti-Trafficking Law.
Ilan sa mga nilalaman ng bagong batas laban sa human trafficking ay :
- ang attempted trafficking na may labinlimang taon na pagkakakulong at may multang hindi bababa sa kalahating milyong piso.
- accomplice o may partisipasyon upang maisagawa ang human trafficking.
- at ang mga mapatutunayang protektor ng illegal na gawain na mapaparusahan rin sa ilalim ng naturang bagong batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, isa ito sa mga prayoridad ni Pangulong Aquino at bahagi pa rin ng repormang inilalatag ng administrasyon, “We’re still in the watchlist. We would like to improve our standing in the watchlist and we hope that with this expanded coverage of anti trafficking, will be able to remove ourselves in their watchlist.” (Nel Maribojoc, UNTV News)













