Published On: Tue, Jan 21st, 2014

8 umano’y miyembro ng Acetylene Gang, arestado sa Quezon City

Mga umano'y miyembro ng acetylene gang na nahuli ng mga Pulis-QC nitong Martes sa Barangay Commonwealth, Quezon City. (UNTV News)

Mga umano’y miyembro ng Acetylene Gang na nahuli ng mga Pulis-QC nitong Martes sa Barangay Commonwealth, Quezon City. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Arestado ang walong pinaghihinalaang miyembro ng Acetylene Gang sa Manggahan, Barangay Commonwealth, Quezon City nitong madaling araw ng Martes.

Nahuli ang grupo na sinasabing mula pa sa Benguet at Mt. Province habang naghuhukay sa loob ng isang paupahang bahay kalapit ng nanakawang pawnshop.

Ayon kay Senior Superintendent Procopio Lipana, chief directorial staff ng QCPD, matagal na nilang minamanmanan ang mga ito matapos makatanggap ng tip sa isang impormante.

Ayon sa opisyal, nangupahan ang mga suspek dalawang buwan na ang nakalilipas sa isang bahay na katabi ng Ochoa Pawnshop na target ng grupo.

“Nakakuha tayo ng additional info na nalaman natin na mage-execute sila ng pagpasok sa pawnshop nito at naaktuhan natin.”

Ang hukay na nalikha na ng umano'y Acetylene Gang sa inuupahang bahay katabi ang Ochoa Pawnshop na kasya na ang isang tao sa lapad. Ito ang hinihinalang gagawing paraan para mapasok ang naturang negosyo at mapagnakawan. (UNTV News)

Ang hukay na nalikha na ng umano’y Acetylene Gang sa inuupahang bahay katabi ang Ochoa Pawnshop na kasya na ang isang tao sa lapad. Ito ang hinihinalang gagawing paraan ng grupo para mapasok ang naturang negosyo at mapagnakawan. (UNTV News)

Ayon kay Jenny Alvior, may-ari ng bahay na inupahan ng mga suspek, isang linggo pa lang ang mga ito sa kanilang lugar ay napapansin na nila ang ilang kahinahinalang kilos ng mga suspek.

“Iba-iba ang statement nila, tinatanong ko ang engineer kung san yung project nila, sabi sa Batasan, yung isa Montalban, nung tinanong ko ang isa Laguna daw, bakit hiwa-hiwalay ba ang inyong project, bakit dito kayo lahat nag-iipon-ipon,” kwento ni Alvior.

Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad na mula sa Maynila at Cordillera ang mga suspek.

Narekober sa mga ito ang ilang kasangkapan sa paghuhukay.

Istilo ng grupo ang mangungupahan sa isang bahay na katabi ng nanakawan nilang establisiyemento.

Magpapakilala umano ito na surveyor ng isang kumpanya at pag-aaralan lamang nila ang kanilang proyekto. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 5 Comments
Have Your Say
  1. Native igoy says:

    Naku..mangibabain dagitoy miners.

  2. Native igoy says:

    Naku..mangibabain dagitoy miners..jejeje

  3. gordo says:

    Plsss UNTV news, pakisagot naman ang mga tanong ng inyong mambabasa. Hindi daw kayo marunong sumagot. Kung nililinaw nyo sana ang mga sinulat ninyo at kompleto eh hindi na sana kayo tatanungin!

  4. Ybengs says:

    plsss identify tha names plsss and address iba po ang Benguet at Mt.Province..thanksss..

  5. igorota says:

    plsss…..identify the names at kung taga saan sila plsss dont interpret BENGUET AND MT.PROVINCE MAGKAIBA PO…..pakicheck para hindi madadamay ang iba……

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>