6 Patay sa Pananalasa ng Bagyong Saola sa Taiwan
Taipei, TAIWAN– Anim na ang patay matapos manalasa sa bansa ang Typhoon Saola.
Ayon sa National Fire Agency, 2 pa rin ang pinaghahanap habang 15 naman ang naiulat na nasugatan bunsod ng bagyo.
Tumutulong na ang Defense Ministry ng Taiwan upang ilikas ang mga tao na nasa hilaga at silangang bahagi ng bansa.
Samantala, nagsara na ang ilang mga paaralan, establisyimento at financial market sa main cities tulad ng Taipei dahil sa sama ng panahon.
Sa kasalukuyan ay humina na ang Typhoon Saola, at inaasahang anomang oras ay maglalandfall na ito sa bansang China. (UNTV News)















Recent Comments