Published On: Fri, Sep 14th, 2012

5th West and Central African Mining Summit, Isinagawa sa Ghana, Africa

Ang 5th West and Central African Mining Summit sa Ghana, Africa (UNTV News)

GHANA, Africa — Mahigit 20 mga bansa mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang nakilahok sa isinagawang 5th West and Central African Mining Summit sa Ghana, Africa.

Layunin ng nasabing pagtitipon na mapaigting ang mining industry sa west and central Africa na kilala bilang isa sa mga bansang may pinaka-malaking mina ng ginto sa buong mundo.

Batay sa datos na inilabas ng Thomson Reuters GFMS, pang-lima ang South Africa sa Top 20 Gold Mining Countries sa buong mundo noong 2011 habang pang-siyam naman ang Ghana, pang-labinglima ang Tanzania at  pang-labinganim ang Mali.

“It actually unites with mining companies, investors ang government officials to explore the latest development opportunities across region,” pahayag ni Mr. Niel Reyes, ang Commercial Director ng Magenta Global Pte Limited.

Kabilang rin sa mga isyung tinalakay sa pagtitipon ang mga makabago at makakalikasang pamamaraan ng pagmimina at kung papaano ito mas mapapaaunlad sa tamang paraan.

Umaasa naman si Mr. Benjamin Aryee, ang Chief Executive Officer ng Minerals Commission na malaki ang maitutulong ng nasabing summit para mapangalagaan ang industriya ng pagmimina sa bansa.

Itinakda sa Setyembre 17-18, 2013 ang ika-anim na West and Central Africa Mining Summit at inaasahang mas maraming participant pa ang makikilahok. (Michael Laraya/Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>