Published On: Thu, Nov 29th, 2012

59th YWCA International Bazaar, Nilakuhan ng 42 na mga Bansa

59th YWCA International Bazaar (nichadainfo.com)

BANGKOK, Thailand – Ibat-ibang dekalidad na produkto mula sa ibat-ibang bansa sa mundo ang ibinida kaugnay sa pagdiriwang ng 59th International Bazaar ng Young Women’s Christian Association (YWCA) na ginanap sa Central World Bangkok, Thailand

Kabilang sa mabibili rito ay mga kape mula sa Brazil; perlas at mga silk ng China; pabango na mula sa France, Persian carpet na mula sa Iran; mga damit na yari sa balat at olive oil ng Italya; Kimchi at seaweed at ginseng ng South Korea; ang sikat na tsokolate ng Switzerland at mga dairy products na gawang Denmark.

Bukod sa mataas na kalidad ng mga produkto, marami ang naengganyo dahil mabibili lamang ang mga ito sa mas murang halaga.

Ayon kay Event Manager Noreerat Nopparatanaporn, mapupunta ang kikitain ng kanilang proyekto sa mga kabataan at kababaihan sa buong mundo na nangangailangan ng tulong.

“We do also donated for the natural disaster, any country in the world. Japan had a tsunami, we also donate some money. Philippine earthquake, flood; Sri Lanka tsunami; Indonesia and the US when Sandy typhoon we also donate some money to them.”  (Maryjo Maleriado & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>