48 Trucks ng Basura, Nakuha ng MMDA sa Manila Bay

Kasabay ng pagragasa ng tubig baha sa mga waterways sa Kamaynilaan ay ang mga basura na humantong sa Manila Bay. (PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines – Tinatayang tatagal pa ng hanggang sabado ang paglilinis at paghahakot ng mga basura sa Roxas Boulevard at Manila Bay na tinangay ng malalaking alon.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, 8 truck na ng basura ang nakolekta ng kanilang mga tauhan kaninang umaga habang 40 truck naman kahapon.
Halos limampung porsyento sa mga nahakot na basura ay kitchen wastes, 17 porsyento naman ay mga papel at ang iba ay puro plastic at kahoy.
Bunsod nito, muling ipinahayag ni Tolentino ang kaniyang mungkahing gawing double layered ang sea wall sa Manila Bay upang mapigilan ang pagragasa ng alon at pag-apaw ng mga basura. (UNTV News)













