Published On: Mon, Aug 20th, 2012

32 Katao, Patay sa Plane Crash sa Sudan

Sudan (Google Maps)

SUDAN — Umabot sa halos 32 katao ang patay kabilang na ang isang cabinet minister sa pagbagsak ng isang eroplano sa Sudan habang patungo sa isang selebrasyon sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Ramadan.

Kabilang sa mga nasawi ay ang Sudanese Guidance and Endowments Minister na si Ghazi Al Sadeq, ilang mga state minister, at mga TV crew.

Ayon sa naglabasang ulat, walang naitalang survivor sa naturang insidente. (UNTV News)