Published On: Thu, Jul 19th, 2012

30 Kandidata ng Mutya ng Pilipinas 2012, Iniharap na sa Media

Ang mga kandidata ng Mutya ng Pilipinas 2012 (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Tatlumpung opisyal na kandidata ng Mutya ng Pilipinas 2012 ang iniharap sa media sa Midas Hotel sa Pasay City kahapon (Hulyo 18).

Sila ang mga kinatawan ng iba’t ibang syudad sa Pilipinas at maging ng Filipino Community sa ibang bansa katulad ng Amerika, Canada at Japan.

Ito ang kauna-unahang pageant sa bago nitong franchisee na Sheridan Group of Companies na tinutulungan naman ngayon ng sikat na fashion designer at kilalang mentor ng ilang mga beauty title holder na si Rene Salud.

“I was the one who got all the technical people including the director, Bert De Leon, and of course getting all the girls from different parts of the archipelago,” pahayag ng sikat na fashionista.

Ayon naman kayJacqueline Tan, pangulo ng Mutya ng Pilipinas, Inc., ilang international pageant titles din ang susubukang maiuwi ng mananalong kandidata sa naturang patimpalak.

“Our titles this year are Mutya ng Pilipinas, Miss Asia-Pacific International, 1st runner-up and then 2nd runner-up, and Mutya ng Pilipinas-Tourism, and  Mutya ng Pilipinas-Filipino Overseas,” paglalahad ni Tan.

Tatlong special awards ang agad na iginawad sa naturang press presentation.

Dalawang sponsor awards na ibinigay sa kinatawan ng West Coast Usa na si Kaylee Calaguas at ang Mutya Press Favorite na nasungkit naman ng kinatawan ng Isabela na si Mutya Johanna Datul.

“It’s just begun. I can’t believe we’ve got in so much accomplished already and there’s so much more that gonna happen,” pahayag ni Calaguas.

“Kailangan ang magandang condition ng katawan, kailangan ang energy mataas, and disiplina sa sarili. Maintain the good health and maintain the sexy body of course,” pahayag naman ni Datul.

Ang gabi ng koronasyon ay gagawin sa ika-12 ng Agosto, alas-7:00 ng gabi sa UP Theater, Diliman, Quezon City. (Adjes Carreon/Marje Navarro, UNTV News)

  • http://www.facebook.com/adjes Adjes Pacopia Carreon

    ang gaganda nila. naalala ko nung kabataan ko ganyan ako kaganda hehe