Published On: Tue, Jan 29th, 2013

30-Day State of Emergency, Idineklara sa 3 Bayan sa Egypt dahil sa Kabi-Kabilang Karahasan

Egypt (Google Maps)

Egypt (Google Maps)

EGYPT – Nagdeklara na ng state of emergency si President Mohamed Morsi sa mga bayan ng Port Said, Suez at Ismaïlia sa Egypt dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Tatagal ng tatlumpung araw ang state of emergency kasabay ng pagpapatupad ng curfew mula alas-9 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.

Sa pinakahuling insidente nitong weekend, mahigit tatlumpu ang nasawi habang nasa tatlongdaan naman ang sugatan matapos mauwi sa karahasan ang isinagawang kilos protesta ng iba’t ibang grupo kontra sa pamahalaan.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala habang ang iba naman ay nasaktan sanhi ng tear gas.

Noong isang linggo, pito naman ang namatay habang mahigit sa apatnaraan ang sugatan sa marahas na dispersal sa mga grupong sumama sa paggunita sa ikalawang anibersaryo ng pagpapabagsak sa rehimen ni dating Egyptian President Hosni Mubarak.

Samantala, pinayuhan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Egypt na mag-ingat, umiwas sa lugar na pinagdarausan ng mga kilos protesta at sumunod sa ipinatutupad na curfew. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>