Published On: Tue, Aug 28th, 2012

3 US States, Nagdeklara ng Emergency sa Pagdating ng Bagyong Isaac

United States of America – Nagdeklara na ng emergency ang tatlong estado sa America  dahil sa posibleng  paghagupit ng  Tropical  Storm Isaac.

Batay sa pinakahuling weather update, lalo pang lumalapit sa northern gulf coast ang  Tropical Storm Isaac habang tumatahak   sa direksyon ng Lousianna, Alabama at Mississippi.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng ilang opisyal ng US government ng voluntary evacuation para sa mga residente upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Una nang nanalasa ang Tropical Storm  Isaac sa Haiti at Dominican Republic kung saan 10 ang iniwang patay. (UNTV News)