Published On: Tue, Jul 24th, 2012

248 Human Embryos, Natagpuan sa Russian Forest

Nevyansk, Russia (Google Maps)

Nevyansk, RUSSIA – Ikinagulat ng isang residente sa Nevyansk, Russia ang natagpuan nitong canister na naglalaman ng mahigit dalawang daang human embryo.

Ayon sa mga otoridad, posibleng nanggaling ang mga naturang biological waste mula sa tatlong ospital sa Yekaterinburg, ang major city sa naturang rehiyon.

Base na rin sa mga label na nakalagay sa mga fetus, sinasabing 10 taon na itong nakaimbak sa naturang mga sisidlan.

Pinagaaralan na ng mga otoridad ang kasong maaaring isampa sa kumpanyang nagtapon ng naturang biological waste. (UNTV News)

  • GMI

    karumaldumal!!!