150 miembro ng Mormons, kumalas na sa kanilang relihiyon
Nag rally muna bago namundok ang mga kumalas na miembro ng Mormons nitong nakaraang biyernes sa Salt lake city.Humigit kumulang 150 katao ang tumiwalag sa nasabing grupo upang ipahayag ang kanilang malabis na pagka dismaya sa nakilalang relihiyon.
Pangunahing dahilan diumano ng pagtiwalag ng mga ito ay ang mga aral na hindi nila matanggap gaya ng poligamya at di-pagsang ayon sa gay marriage.
Binabatikos din ng ilan ang hindi maintindihan at pabago bagong paliwanag
diumano ng Mormons sa historya ng kanilang Iglesia.
Hindi rin anila ugma sa siyensa ang marami sa kanilang doktrina pati na ang mga nasusulat sa tinatawag nilang Book of Mormons.
Sa bundok ay lumagda ang lahat para sa kanilang resignation letter upang pormal na alisin sila sa tinatawag na Church roll o ang pinaka Instructional book ng Mormons.
Ayon sa ilan tunay na kalayaan ang kanilang nararamdaman, matapos umalis sa iglesiang itinayo ni Joseph Smith nuong 1847.
Sa salaysay naman ni Kris Fielding, 35 anyos, siya at ang kanyang asawa ay nagdesisyong tuluyan ng iwan ang dating relihiyon dahil sa pangunahin nitong aral na poligamya o pagpapahintulot na mag asawa ng higit sa isa sa bawat kasapi.
Masyado aniya itong mapanganib sa isang indibidwal na ang layon ay magkaroon ng isang matiwasay at maayos na pamilya.
“I went to him looking for a faithful perspective. He called my wife and told her she needed to find a new husband,”
Matatandaang ang mga lider ng relihiyong Mormons na kilala ding The latter day Saints na sina Joseph Smith at Brigham Young ay nagkaroon ng tig 48 at 25 na asawa.
Image credit: Grant Montgomery













