Free medical mission at tuli, dinagsa ng mga Bulakenyo sa San Rafael

Pinilahan ng kabataang lalaki ang nangyaring libreng medical at dental mission sa San Rafael, Bulacan dahil sa libreng tuli hatid ng UNTV at sa pakikipagtulungan ng Ang Dating Daan at Kamanggagawa Foundation. ( Photo: Rodel Lumiares / Photoville International)
BULACAN, Philippines — Labis ang tuwa ng mga taga-San Rafael, Bulacan dahil muli na naman silang nabiyayaan ng libreng serbisyong medikal na hatid ng Ang Dating Daan sa pangunguna ni Brother Eli Soriano at ng UNTV sa pangunguna naman ni Kuya Daniel Razon.
Umabot sa mahigit 800 Bulakenyo ang naserbisyuhan ng libreng medical, optical, pedia at dental services.
Sinamantala naman ng 57 anyos na barangay tanod na si Mang Romeo ang pagkakataon upang maipabunot na ang kanyang sirang ngipin.
“Pareho pong sumasakit isa po rine sa itaas isa po dito, para mawala po sakit ng ngipin kailangan bunutin. Minsan po namamaga kapag sumasakit, minsan po nawawala. Libre po dito wala pang bayad kaya dito kami nagpapabunot,” ani Romeo Roque.
Para naman sa mga bata ngayong summer season, isinabay sa bakasyon ang libreng tuli.
“Inaasar po kasi ako nilang supot,inasar po nila ko supot supot. Nagpatuli na po ako, at wala naman (pong sakit dahil) may anistisya po. Maraming salamat po sa libreng pagpapatuli,” ani Mark Francisokilio, isa sa mga nagpatuling kabataan.
Mahigit isaang daang bata rin ang nakapagpatuli.
Malaki naman ang naging paghanga at pasasalamat ng kapitan ng Barangay Capihan sa mga ginagawa ni Brother Eli at ni Kuya Daniel sa mga mahihirap.
“Madali pong hingan ng tulong lalo na sa mga mahihirap lalo kung kailangan ng mga mahihirap tagalang madali siyang hingang ng tulong. Lubos po akong nagpapasalamat lalo na ang buong sanggunian ko at sa Kamangagawa Foundation sa mga ibinibigay nila sa aming barangay,” ani Brgy. Capihan Chairman Jun Cruz.
Patunay lamang ito na ang pagtulong sa kapwa at ang pagagawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama at ito ang sinisikap ni Brother Eli Soriano at Mr. Public Service Kuya Daniel Razon. (Ito Ang Balita ni Nestor Torres, UNTV News)

Ngiti ang dulot ng libreng public services na ito ng UNTV, Ang Dating Daan at Kamanggagawa Foundation hindi lang sa mga napaglingkuran kundi pati sa mga volunteers na nakapaglingkod… “Kahit Isang Araw Lang”. ( Photo: Rodel Lumiares / Photoville International )














Recent Comments