Kawan ng Cordero Show, finalist sa isang international festival sa Germany
QUEZON CITY, Philippines — Opisyal nang naging finalist ang the only bible-based children show ng UNTV na Kawan Ng Cordero o KNC Show sa isang international award-giving body sa Germany.
Ang pamunuan ng Prix Jeunesse International Festival ay opisyal ng nagpahayag ng pagnomina sa naturang programa bilang isa sa tataguriang “Quality in Children’s TV Worldwide” sa kategoryang non-fiction tv program nito.
Kuwento ng isa sa KNC Show host na si Blanca Santiago, “Sa Germany kasi mayroon tayong ifinorward na entry, yung tinatawag nilang Prix Jeunesse, na kung saan itong grupo na ito ay talagang kumakalap sila ng, ang kanilang focus ay sa mga programang pangbata, so nung nagkaroon ng seminar ang lahat ng station all over the Philippines, talagang napansin nilang nakakapulot ang mga bata ng magandang ugali.”
Ayon sa festival coordinator nitong si Kirsten Schneid, naging napakahigpit ng ginawang pre-selection session dahil sa 86 lamang ang nakalusot sa 353 entries na dumaan sa kanilang screening.
Ang pumasang entries ay ipadadala ng organizer kasama ng labing-isa pang children shows mula sa iba’t-ibang bansa sa mga eksperto sa children’s tv sa buong mundo para husgahan ito.
Ang KNC Show ay ifi-feature sa isang linggong festival mula June 01 hanggang June 06 sa Munich, Germany. (Ito Ang Balita ni Adjes Carreon, UNTV News)















Recent Comments