Presscon para sa nalalapit na laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, isinagawa sa New York City
NEW YORK, USA — Nangako ng isang umaatikabong laban si Top Rank promoter Bob Arum sa pagitan nina manny pacquiao at timothy bradley sa June 9. Ito ay sa kabila ng mga batikos na bagito ang makakatapat ng pound-for-pound king.
“Manny is fighting a fighter who is just now beginning to reach his prime,” ani Arum.
Ayon naman kay Coach Freddie Roach, nauubusan na sila ng mga mahuhusay na challengers dahil natalo na ni Pacman ang mga ito,“he’s the best guy out there. He ran out of opponents, actually.”
Sinang-ayunan naman ito ni Manny kasabay ng pagbibigay ng dahilan sa desisyon niyang makalaban si Bradley sa halip na magkaroon ng rematch kay Juan Manuel Marquez.
“I don’t think people will watch the same movie again,” anang Pambansang Kamao.
Dinipensahan naman ni Bradley ang sarili at ipinagmalaki ang kanyang mga accomplishment.
Ani Timothy Bradley, “I’m not here just for the paycheck. I’m here to win this fight.”
Samantala, pinabulaanan ng kampo ni Pacman ang paninira ni Floyd Mayweather Jr. na umiiwas si Manny sa kanya.
“We’re doing everything possible to make that fight happen, but he wont go to the table. He wants to fight we’ve already beat,” ani Coach Freddie Roach.
Ayaw namang magbigay ng direktang pahayag ni Roach tungkol sa nalalapit na pagreretiro ng boxing champ,“I would like to see that. It’s up to Manny Pacquiao, though…” (Ito Ang Balita ni Sonny Cos, UNTV News)

















Recent Comments