
QUEZON CITY, Philippines — Bumagay sa timbre ng boses ng OPM novelty singer na si Jerome Abalos ang tinanghal na “Song of the Week” ng A Song of Praise o ASOP Music festival nitong Linggo.
Si Jerome Abalos ang nagpasikat ng awiting “Larawang Kupas”.
Laking pasasalamat ng kompositor na si Nelson Gaupo na si Abalos ang napiling mag-interpret ng kanyang entry sa ASOP na “Sa Iyong mga Kamay.”
Nagustuhan ng ASOP judges na sina Vehnee Saturno, Noel Cabangon at ang panauhing hurado na si Pinky Marquez ang naturang awit.
Iba’t-ibang music genre ang naging entry nitong Linggo tulad ng “Jesus” na nilikha ni John Ombao sa interpretasyon ng isa sa Ryan Cayabyab singer na si Ava Olivia Santos, “Dios na Dakila” na komposisyon ni Nash Cruz sa rendisyon ng bokalista ng bandang Silent Sanctuary na si Sarkie Sarangay at ang “Thank You, Lord” na sinulat ni Romeo Bautista na inawit naman ng kauna-unahang Philippine Idol winner na si Mau Marcelo. (Ito Ang Balita ni Adjes Carreon, UNTV News)