
MANILA, Philippines — Sa bagong inilabas na survey ng Pulse Asia, tatlumpu’t walong porsyento ng mga Pilipino ay naniniwala na ang ekonomiya ng bansa ay humina.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong November 23, at labingwalong porsyento lamang ang naniwalang nag-improve ang ekonomiya ng bansa.
Apatnapu’t-limang porsyento naman ang naniniwalang walang naging pagbabago sa kabuhayan ng mamamayang Pilipino.
Ayon kay Deputy Spokesperson Abigail Valte, ang nasabing survey ay base lamang sa mga sentimiyento o mga hinaing ng mga partikular na tao.
Hindi aniya nangangahulugan na ito na nga ang tunay na naging kalagayan ng ekonomiya noong nakaraang taon.
Ani Valte, ‘We can’t really say because those are the sentiments of the people. On the sentiments, always consider the subjectivity.”
Gayunman, sisikapin pa rin aniya ng administrasyong Aquino na mas mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa sa taong 2012.
“We would like to see those numbers go down. Which is why we are hit the ground running for 2012. We started last quarter for 2011 hoping that to see those numbers decrease in particular,” dagdag pa ni Asec. Valte. (Ito Ang Balita ni Nel Maribojoc, UNTV News)