
MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa sa harapan ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman bilang Office-In-Charge-Governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang pagkakatalaga ng Pangulo kay Hataman ay sa kabila ng wala pang finality ang kaso ng ARMM Elections Postponement at Synchronization Law na ikinontesta sa Korte Suprema.
Kaugnay nito, napahayag naman ng tiwala ang Palasyo sa kakayahan ng bagong OIC sa pangangasiwa sa rehiyon dahil sa dati na nitong posisyon bilang opisyal sa Mindanao at siniguradong hindi na ito tatakbo sa susunod na eleksyon sa ARMM.
Magsisimula sa kanyang bagong tungkulin si Hataman sa Disyembre 22 o 23 taong kasalukuyan.
Pamumunuan nito ang mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur at ang mga Lungsod ng Marawi at Lamitan. (Ito Ang Balita ni Francis Rivera, UNTV News)